Miyerkules, Marso 9, 2011

"KARANASAN"

      Noong  tayo'y hi-skul pa lamang, dun natin nakilala ang mga tunay nating kaibigan, na talaga namang ang mga ito'y di natin malilimutan. ang sabi nga ng nakararami ang hi-skul life ang pinakasaya kumpara sa pag-aaral natin sa kolehiyo.Nung ako'y nasa hi-akul lagi kong kasama ang barkada, anjan ang di pagpasok sa eskwela para lang gumala. At minsan pa, pag may nakahandang exam ang magbabarkada'y di maiiwasang magkopyahan.Iyan ang karanasan sa ating pag-aaral.

      At ang sabi nga sa isang kanta "hi-skul life ay walang kasing saya bakit kung graduation ay luluha kang talaga" na talaga namang ang nabuong samahan ay ayaw mahiwa-hiwalay. At ngayong kolehiyo na tayo ay talaga namang magiging sersoyo na tayo sa pag-aaral, anjan ang di ka matutulog upang tapusin ang ibinigay na gawain. Ito'y karanasang di natin malilimutan, ngunit gayun pa man ang mga ito'y ating mapapakinabangan upang mapaganda ang ating kinabukasan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento