Miyerkules, Marso 9, 2011

LIFE

Ang buhay ay talaga nga namang ganyan
Mga pagsubok ay kailangang malampasan
Sari-saring problema'y ating nararanasan
Ngunit ito nama'y ating nasososlusyunan

Katulad ng nararanasan sa ating pag-aaral
Ito'y halos ayaw nating tigilan
Mahirap man ang ating nararanasan
Ito'y may kapalit para sa ating kinabukasan

Hi-skul life nga ay kaysaya
Halos walang makitang problema
Barkada'y laging magkasama
Upang magsaya at gumala.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento